Entertainment
LALAKING SINGLE, BUMILI NG BILLBOARD UPANG MAGHANAP NG FOREVER

Published
1 year agoon

Dating app no more?
Bumili ng roadside billboard ang isang lalaki mula Sheffield at itinampok nito ang sariling larawan para mag hanap ng ka-date.
Mas hinigitan ni Mark Rofe ang karaniwang online dating apps sa paghahanap ng kanyang ‘future partner’.
Bumili ang 30-anyos na lalaki ng tatlong metro kataas at anim na metrong haba ng billboard sa Manchester, United Kingdom nitong Biyernes, Enero 31.
Pinost naman ni Rofe ang litrato ng signage sa kanyang Twitter.
The dating apps weren't working, so I bought a billboard and set up a website to stand out and try get a date.
— Mark Rofe 🧦 (@iamrofe) January 31, 2020
Help me out https://t.co/ddz5s5aTul #DateMark pic.twitter.com/z4nBlA4v1X
Makikita sa billboard ang larawan ni Rofe na naka-pose, na may caption sa itaas na bahagi na ‘Single’? at nakalagay naman ang “Date Mark” sa ilalim.
Sa website ng binata na Dating Mark, nagbiro si Rofe na binili niya ang sign dahil single siya. Nagpapakasal na umano ang kanyang mga kaibigan at siya ay nahihirapan pa rin mag hanap ng ka-date.
Sa kanyang site, makikita ang isang form para sa mga interesadong maka-date si Rofe. Samantala, nakatanggap naman ito ng nasa 1004 na aplikasyon.
I was talking to my mate saying how I was struggling on all these dating apps and I joked that I should put my face on a big billboard. We laughed about it but then actually I thought what a good idea,” saad ni Rofe.
Inilarawan pa niya ang sarili bilang “extremely handsome and modest 30-year-old who works in marketing.”
“Some people might think I’m mad paying £425 but if I find love then it’s fairly cheap. I tried to make it funny so hopefully I don’t come across as a desperate loser,” ani Rofe.
Source: Remate.ph
You may like
-
6 NA ASAWA, SABAY-SABAY NABUNTIS AT PINAKASALAN NG KANILANG GWAPONG MISTER
-
19 sunog na mga katawan ng tao, natagpuan malapit sa border ng MEXICO-US
-
PINAKAMALAKING COVID-19 VACCINE FACTORY SA MUNDO NASUNOG SA INDIA, 5 PATAY
-
Pangalawang brand na COVID-19 vaccine EpiVacCorona ng Russia, 100% effective –Rospotrebnadzor
-
DAHILAN NG PAGKAMATAY NG VLOGGER NA SI LLOYD CADENA, KINUMPIRMA
-
251 DOKTOR SA BANGLADESH NAGPOSITIBO SA COVID-19