Entertainment
Japanese manga ‘One Piece’, gagawing live action series ng Netflix

Published
1 year agoon

Gagawing live action series ng Netflix ang sikat na anime at manga series na One Piece.
Inanunsyo ng streaming company na ginagawa na ang 10-episode series nito kapartner ang Shueisha at Tomorrow Studios.
Isa sa mga executive producer ng palabas ang awtor ng nasabing manga series na si Eiichiro Oda, kasama sina Marty Adelstein at Becky Clements ng Tomorrow Studios.
Kabilang si”Agents of S.H.I.E.L.D.” executive story editor Matt Owens bilang manunulat habang showrunner naman ng palabas ang “Lost” co-executive producer na si Steven Maeda.
Taong 1997 nang i-serialize ang “One Piece” bilang manga at sa ngayon ay
ongoing pa ito, dahilan upang maging isa sa mga longest-running manga series.
Naging anime naman ito noong 1999.
Via / Source: remate.ph
You may like
-
DAHILAN NG PAGKAMATAY NG VLOGGER NA SI LLOYD CADENA, KINUMPIRMA
-
EXO sa Pilipinas, kanselado dahil sa 2019-nCoV ARD
-
LALAKING SINGLE, BUMILI NG BILLBOARD UPANG MAGHANAP NG FOREVER
-
Dating child star, huli sa pananaksak
-
James Reid at Nadine Lustre, hiwalay na nga ba?
-
Angel Locsin, hinirang na pinakagalante sa Asya