Connect with us

Entertainment

MEGAN YOUNG AT MIKAEL DAEZ, 2 BESES NA KINASAL

Published

on

Photo| IG/Megan Young-Daez

Ikinagulat ng marami ang naganap na kasalan ng kauna-unahang Pinay Miss World Megan Young at aktor na si Mikael Daez.

Pero lingid sa kaalaman ng marami, dalawang beses na nagpakasal ang long-time showbiz couple.

Ginanap ang unang kasalan sa Calaruega Church sa Tagaytay City na kinabibilangan lamang ng kani-kanilang mga pamilya noong January 10, 2020.

Gaya ng unang kasal, naging pribado at taimtim rin ang ikalawang kasalan nitong Sabado sa San Roque Chapel sa Subic, Zambales, kasama ang kani-kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Taong 2017 nang kumpirmahin ni Mikael ang romantic relationship nila ni Megan.

Nitong January 6, 2020, ipinagdiwang ng magkasintahan ang kanilang ninth anniversary bilang isang couple.

Naging saksi ang publiko sa iba’t-ibang dates at travel adventures ng dalawa na kanilang binabahagi sa kanilang social media accounts.

Pero naging tahimik lang sila pagdating sa pagpaplano ng kanilang kasal.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *