Connect with us

Entertainment

Issa Pressman, sumagot na sa akusasyong ‘third party’ sa JaDine breakup

Published

on

PHOTO/S: @PRESSMANISSA / @NADINE INSTAGRAM

Binasag na ni Issa Pressman ang pananahimik sa alegasyong siya ang dahilan ng hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre.

Napagtanto raw niyang mabuting direktang manggaling sa kanya na wala siyang kinalaman sa akusasyong ibinabato sa kanya.

Bagama’t walang binanggit na mga pangalan nina James at Nadine sa kanyang post.

Narito ang pahayag ni Issa sa kanyang Instagram post, nitong January 24 (published as is):

“If I stay silent, i’m ‘guilty’. If I stand up for myself, i’m ‘defensive’.

“The world judges either way.

“But to end it here & now, everything is 100% FALSE. #ThinkBeforeYouClick”

“Soooooooooo, let’s all move on.”

Saludo at suportado ng mga kaibigan niya sa showbiz ang pahayag na ito ni Issa na linisin nang tuluyan ang kanyang pangalan.

Matatandaan nang mag-trend sa Twitter ang pangalan ni Issa makalipas ang apat na araw mula nang kumpirmahin nina James Reid at Nadine Lustre ang kanilang hiwalayan.

Source: Pep.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *