Connect with us

Entertainment

Ilang artista, naglabas ng kanya-kanyang reaksyon sa paghihiwalay ng JaDine

Published

on

Bumuhos ang kanya-kaniyang reaksyon ng ilang artista ukol sa paghihiwalay nina James Reid at Nadine Lustre o JaDine.

Kasunod nito, maraming lumalabas na ispekulasyon na naging dahilan ng breakup ng dalawa.

Sa Twitter, inihayag ni DJ Chacha na dapat munang hayaan ng netizen ang paghihiwalay ng dalawa dahil ito aniya ay “difficult moment” para kina James at Nadine.

Ayon naman sa TV host na si Bianca Gonzales, “ruthless” ang social media dahil sa mga ispekulasyon kung ano ang rason sa paghihiwalay ng dalawa.

Sa Instagram naman, nagpahayag naman ang TV host na si Robi Domingo ng suporta kina James at Nadine sa pamamagitan ng pag-post ng video kung saan tinugtog nito sa piano ang kantang “On the Wings of Love.”

View this post on Instagram

#Push #Achieve #Juskolord

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo) on

Matatandaan ang “On the Wings of Love” ang titulo ng isang romantic comedy TV series na pinagbidahan nina James at Nadine noong 2015.

Nakalagay sa caption ng video na, “OTWOLista forever (airplane emoji) #Push #Achieve #Juskolord”

Sa isang television interview sa ABS-CBN, kinumpirma ng JaDine ang kanilang breakup noong Lunes ng gabi. – radyo.inquirer.net

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *