Connect with us

Entertainment

Yassi Pressman, nagsalita na ukol sa pagkakadawit ng kapatid sa ‘JaDine breakup’

Published

on

@YassiPressmanViva Facebook photo

Matapos kumpirmahin nina James Reid at Nadine Lustre ang kanilang hiwalayan noong Lunes ng gabi sa isang interbyu sa ABS-CBN. Maraming espekulasyon ang lumitaw na dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa.

Hanggang sa nag-trending ang pangalan ni Issa Pressman na siyang pinagbibintangan ng ilang netizens na third party sa hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre.

Ito ay dahil sa isang nag-leaked na video noong second week ng December 2019 na kuha sa isang kasiyahan sa Boracay kung saan maaaninag na niyayakap at hinahalikan ni James si Issa habang katabi lang nila si Nadine. (pep.ph)

Bagama’t hindi pa man nagbibigay ng pahayag si Issa tungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa JaDine breakup, pinagtanggol naman ito ng kanyang nakakatandang kapatid na si Yassi Pressman.

Narito ang pahayag ni Yassi Pressman:

“Hindi po papatol ang kapatid ko sa mga sinasabi ninyo 😊 Pero bilang Ate, hindi ko naman po yata kayang panuorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya.

this was me and nadz last night, watching how some of us become cruel over untrue statements. 😊
“Initially we all laughed about how crazy the things that woke us up yesterday were, and then…. they started getting out of hand, at di na yun tama..
“Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay, it is never okay. 
“Be careful with the words you say, and things you THINK are true on social media. 
“They’re not always the truth. 
“Do not be so quick to point fingers, when you do not have the proper information.
#thinkbeforeyouclick
~
“We’re all okay.
Sana po kayo din.
Let’s respect everyone. 😊❤️

Si Issa ang nakababatang kapatid ni Yassi Pressman, at contract star din ng Viva Artists Agency.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *