Connect with us

Entertainment

Dating child star, huli sa pananaksak

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Dinampot ng Marikina City Police gabi ng Enero 17 ang dating child actor na si Jiro Manio. Ang 27-anyos na actor ay hinuli dahil umano sa tangkang pagpatay.

Sa inisyal na pag-iimbestiga ng Marikina PNP, papunta sa bahay ng isang kaibigan ang ang biktima na kinilalang si Zeus Doctolero nang magpang-abot sila ni Manio  sa kalye at dito na umatake si Manio.

Ayon sa ulat, naglabas ng patalim si Manio at tatlong beses na pinagsasaksak si Doctolero.

Depensa ng dating batang aktor, inunahan umano siya ni Doctolero ng hampasin sya nito ng helmet.

Agad na isinugod ang biktima sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center dahil sa mga tama nito sa likod at ulo.

Patuloy ang pag-iimbestiga ng mga pulis kung ano nga ba ang tunay na pinagsimulan ng away.

Nauna rito, ipinasok sa rehab noong 2015 si Manio sa tulong ng ina-inahan nito sa showbiz na si Ai-Ai Delas Alas. Taong 2016 ng makalabas si Manio.

Bago ang umano’y pananaksak, napag-alamang namamasukan bilang helper sa isang eatery ang dating child actor.

Sources:
https://cnnphilippines.com
https://www.pep.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *