Connect with us

Entertainment

Julia Barretto, in-unfollow sina Joshua Garcia at Janella Salvador sa Instagram

Published

on

Photo from the web

In-unfollow ni Julia Barretto sa Instagram ang ex-boyfriend na si Joshua Garcia at ang close friend na si Janella Salvador.

Ito ang napansin ng ilang netizens na sumusubaybay sa tatlong Kapamilya stars.

Kung titingnan ang Instagram account ni Julia, “no users found,” o wala na sa listahan ng pina-follow ni Julia ang mga pangalan nina Joshua at Janella.

Hindi malinaw kung bakit in-unfollow ni Julia ang dalawa.

Noon lang Sabado, January 11, nagkita pa sina Julia at Joshua sa media conference ng pelikula nilang Block Z.

Hindi na rin makikita sa feed ni Julia ang mga solo nilang litrato ni Joshua.

Maliban na lang sa mga litrato kunsaan naroon din ang mga kamag-anak at kaibigan ni Julia, o kaya ay promo material ng defunct ABS-CBN prime-time series nilang Ngayon at Kailanman.

Sa kaso ni Joshua, pina-follow pa rin niya si Julia sa Instagram.

Pero napansin ng netizens na burado na ang mga caption ni Joshua sa lahat ng litrato nilang magkasama.

Tulad ng litratong ito na kuha noon pang February 2019:

Tanong ng netizens: May kinalaman kaya ang pag-unfollow ni Julia sa pag-post ni Joshua ng pictures nila ni Janella?

Read more: Julia Barretto unfollows Joshua Garcia, Janella Salvador on Instagram/pep.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *