Connect with us

Entertainment

Yeng Constantino naghain na ng piyansa sa kinakaharap na kasong cyber libel sa Surigao

Published

on

Photo from the web

Naglagak ng piyansa sa korte sa Surigao del Norte ang singer na si Yeng Constantino para sa kinakaharap na kasong cyber libel.

Ang kaso ay isinampa ng duktor sa ospital sa bayan ng Dapa na binatikos ng singer sa kaniyang vlog nang maaksidente sa Siargao ang kaniyang asawa.

Ayon sa abogado ni Yeng na si Atty. Joji Alonso, nakapagpiyansa na sa korte ang kaniyang kliyente.

Inilabas ni Yeng ang video at inakusahan noon ang duktor sa ospital na tila walang ginawa sa sitwasyon ng kaniyang asawa.

Umani ng batikos ang ginawa ni Yeng at nag-trend pa online ang #NoDoctorShaming na hashtag.

Kalaunan ay binura ng singer ang post at naglabas din ng public apology. – radyo.inquirer.net

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *