Entertainment
Nag-sorry na! Jobert Sucaldito kay Nadine Lustre

Published
1 year agoon

Humingi na ng tawad ang Showbiz columnist at DZMM host na si Jobert Sucaldito sa aktres na si Nadine Lustre matapos makatanggap ng sunud-sunod na batikos mula sa mga netizens dahil sa ‘suicide’ remark nito sa aktres.
On-air mismo naglabas ng statement si Sucaldito na humingi ng paumanhin kay Nadine maging sa ibang naapektuhan ng isyu, pati na rin sa radio station.
“I would like to apologize to Ms. Nadine Lustre and to those who got bothered by that sa aspetong ito. I am also apologizing to my radio network DZMM for putting them in discomfort because of this,” ani Jobert nitong Miyerkules, January 8.
Kumalat sa social media ang mabibigat na “pabirong” pahayag na binitawan ni Jobert laban sa aktres tungkol sa mental health, na ayon sa mga netizens ay ‘inappropriate’ at ‘insensitive’.
Dahil dito ay nag-trending ang hashtag na #SuicideIsNotAJokeJobert ng mga netizens.
Sa kalagitnaan ng mainit na isyu, naglabas din ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN News Chief Ging Reyes kaugnay sa komento ni Sucaldito kay Lustre.
“We in ABS-CBN News take the issue of mental health very seriously. This was even the subject of a recent documentary that we produced.
“We are investigating reports that DZMM host Jobert Sucaldito uttered inappropriate and insensitive comments regarding actress Nadine Lustre’s state of mental health.
“Our journalists and other members of our team are accountable for their on-air statements,” ayon sa statement na ibinahagi rin ng opisyal na Twitter account ng ABS-CBN PR.
— GING REYES (@gingreyes) January 8, 2020
Source: push.abs-cbn.com
You may like
-
Sharon Cuneta na-touch kay Donita Nose bilang mabuting kaibigan, “Sana madami pang katulad mo”
-
”Iconic Fashion Designer” sa Japan, pumanaw na dahil sa COVID-19
-
Certified Plantita | Aubrey Miles, P300,000 ang binayad para sa kanyang pinakamahal na halaman?
-
LOOK: “Ramen mask” denisenyo ng isang Japanese Designer na si Takahiro Shibata
-
JOHN REGALA NA-OSPITAL, SAKIT MALALA NA
-
BOYS LIKE GIRLS, IPINAGLIBAN ANG TOUR SA BANSA SA GITNA NG COVID-19 PANDEMIC