Connect with us

Entertainment

WATCH: ‘Tala’ – ‘Linamnam Ulam’ mash-up nina Anne Curtis, Sarah G.

Published

on

Photo courtesy| @ sarahgeronimoshots Instagram photo

Hindi pa rin natatapos ang katuwaan ng mga Filipino sa hit song na ‘Tala’ ng Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo.

Nitong Martes, ibinahagi ni Anne Curtis ang Tala performance nila ni Sarah G. sa kanyang concert noong August 2018.

Pero, may twist na ginawa si Anne kung saan inawit niya sa chorus part ang sikat na ‘Linamnam Ulam’ jingle ng isang fast food giant para sa isang burger rice meal.

Parehong endorsers sina Anne at Sarah G. ng naturang kumpanya at ang jingle ay ibinatay talaga sa tono ng ‘Tala’.

Ang pagbahagi ni Anne sa Tala performance sa kanyang concert ay dahil hindi anya siya makagagawa ng dance cover dahil baka bigla siyang makapanganak.

Sa ngayon ay may halos 1.1 million views at 210,000 likes na ang Instagram post ni Anne ng kanilang ‘Tala’ performance.

Patuloy din ang paghataw sa YouTube ng official music video ng kanta at ngayon ay may halos 33 million views na ito. – radyo.inquirer.net / news.abs-cbn.com

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *