Connect with us

Entertainment

Jobert nairita kay Nadine: “Sana tumalon na lang!”

Published

on

“Kuno kuno may mga labas ang pwet, naka-T-back pa dun sa building tapos may nakalagay na mga caption na mga parang gustong tumalon. Sana tumalon na lang kung ganun din lang naman pala.”

Ito ang komento ni producer Jobert Sucaldito sa January 6 episode nila ni Ahwel Paz ng “ShowBuzz” sa DZMM.

Bagama hindi pinangalanan ay mistulang pinatutungkulan nito si Nadine Lustre.

Nainis kasi si Jobert sa pagbira ng aktres kay showbiz journalist Ricky Lo.

Matatandaang sinabi ni Lo na nagiging maingat umano si James Reid sa umano’y breakup dahil may mental illness umano si Nadine. Dinamay pa ni Lo ang kapatid ni Nadine na nag-suicide.

Sa ShowBuzz, giniit ni Jobert na hindi media ang may pakana ng ingay tungkol sa breakup.

“Hindi kami nangangailangan ng publicity. Sino ba ang post nang post ng kalungkutan? May mga sa building, may mga “I lost all of my love”,” sabi ni Jobert na patungkol sa mga recent Instagram post ni Nadine.

“Kayo may gawa niyan, JaDine mismo! Kayo ang dapat sisihin dyan kung may problema. Hindi na dapat isisi sa ibang tao. Not even Ricky Lo, not even us,” bulalas pa nito.

Binanggit din ni Jobert ang isang post ni Nadine na nasa building at umano’y “may nakalagay na mga caption na mga parang gustong tumalon.”

“Di kami ang may pakulo ng lahat ng ito. Wala kaming alam sa buhay ng mga idols ninyo. Sila ang naggawa-gawa ng mga kwento na mali namin ay pinatulan namin. Di ba? Kaya lumaki at medyo napag-uusapan. Di ba yun naman ang gusto nila? Kuno kuno may mga labas ang pwet, naka-T-back pa dun sa building tapos may nakalagay na mga caption na mga parang gustong tumalon. Sana tumalon na lang kung ganun din naman pala,” wika ni Jobert.

Naispatan recently ang JaDine sa Camp John Hay at Mount Ulap, ngunit wala pa ring kumpirmasyon tungkol sa umano’y breakup.

Article: ABANTE

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *