Connect with us

Entertainment

Maine Mendoza claps back at “fans” for trending #NoToArjoTheUser

Published

on

Photo courtesy| @mainedcm

Matapang na nanindigan si Maine Mendoza para sa boyfriend niyang si Arjo Atayde laban sa bashers.

Ginulat ng 24-anyos na actress-TV host ang kanyang 5.6 million Twitter followers nang hayagan niyang ipagtanggol ang nobyo mula sa ilang “fans” ngayong Lunes ng gabi, January 6.

Ang “fans” kasing tinukoy ni Maine, nagtagumpay magpa-trending ng hashtag na #NoToArjoTheUser ngayong Lunes.

Hindi maikakaila ang sarcasm sa unang bahagi ng tweet ng dalaga nang mag-react siya ng “Wow” at batiin ng “Congrats!” ang mga nabanggit na netizens.

Pero sa huli, diretsahan niyang sinupalpal ang mga ito nang gumawa siya ng sariling hashtag, ang #YesToArjo.

Tweet ni Maine: “Wow, some ‘fans’ made #NoToArjoTheUser trend today. Congrats! But I say #YesToArjo. (heart emoji)”

MAINE GETS SUPPORT FROM FANS

Maraming Twitter followers ni Maine ang natuwa at kinilig dahil hayagang pinanindigan ng actress-TV host ang relasyon sa 29-anyos na Kapamilya actor.

Dahil dito, tinulungan nila si Maine para mag-trend ang hashtag nitong pabor kay Arjo.

Nang mga oras na mag-tweet si Maine, bandang 6:30 ng gabi, top trending sa Twitter ang #NoToArjoTheUser.

Pero makalipas ang wala pang isang oras, naungusan na ng #YesToArjo ang #NoToArjoTheUser.

Hinihinalang mga fans ng AlDub—dating love team ni Maine kay Alden Richards—ang nasa likod ng matagal nang pagkontra sa relasyon nina Maine at Arjo.

Nag-trending ang #NoToArjoTheUser dalawang araw matapos mag-viral nitong Sabado, January 4, ang dance cover nina Maine at Arjo ng “Tala” ni Sarah Geronimo.

At press time, mayroon nang 237,000 likes at 30,600 retweets ang dance video ng magkasintahan.

ARMAINE: REAL LOVE TEAM

Sa nakalipas na mga araw, kapansin-pansing lantaran nang nagpo-post si Maine sa social media tungkol sa relasyon nila ni Arjo.

Nitong December 21, ipinost ni Maine sa Instagram ang pagbati niya kay Arjo para sa kanilang first anniversary as a couple.

Nauna rito, noong unang linggo ng December 2019 ay magkasamang nagbakasyon ang magkasintahan sa California sa Amerika.

Nagkapalagayan ng loob sina Maine at Arjo—binansagang ArMaine—habang ginagawa ang pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles, na kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF). – Pep.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *