Connect with us

Entertainment

Nadine Lustre, nagsalita na sa ‘HIWALAYAN ISSUE’ nila ni James Reid

Published

on

Photo/s courtesy| @NADINE ON INSTAGRAM via web

Sa pagpasok ng taong 2020, ang break-up nina James Reid at Nadine Lustre ang isa sa unang mainit na isyung nag-trend online.

Kinondena ng aktres na si Nadine Lustre ang lumabas na artikulo tungkol sa hiwalayan issue nila ni James Reid.

Sa printed edition ng artikulo, sinabing maingat at maayos daw ang pagdala ni James ng breakup dahil umano sa “mental illness” ni Nadine.

“James is handling the breakup with care to cushion the impact on Nadine who has admitted grappling with mental illness.”

Tinanggal ang bahaging ito sa online edition ng pahayagan na lumabas noong Sabado, January 4.

At kahapon, January 5, umalma sa kanyang Instagram Stories si Nadine ukol sa paggamit sa term na “mental illness.”

“First off, that was so low @therealrickylo @philippinestar.

“Second, none of what you said was true & It is NEVER okay to use someone’s mental situation/tragic past just to prove a point. Mental Illness is a very sensitive matter.

“& last, you think you know so much abt me, you can’t even get my last name right. ANU NA, 2020 NA!!”

PHOTO/S COURTESY: @NADINE ON INSTAGRAM VIA PEP.PH
 
 

Sa kanyang pagsagot, ito na rin ang unang beses na nagsalita si Nadine tungkol sa rumored breakup nila ni James.

Una namang lumabas ang balitang live in na sina James at Nadine noong 2017 at nitong March 2019 ay kinumpirma ito ni James.

Noong February 11, 2016 opisyal na naging magkarelasyon sina Nadine at James at February 20, 2016 naman nila ito unang kinumpirma, sa kanilang concert na Jadine In Love.

Source: pep.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *