Entertainment
Lolit Solis kay Janine Gutierrez: “Gusto lang magpapansin” dahil sa naging komento nito sa bagong programa ni Sen. Bong Revilla sa GMA

Published
1 year agoon

Samu’t saring reaksiyon ang natatanggap ngayon ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez pagkatapos nitong mag-react sa tweet ng GMA Network tungkol sa bagong programang Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla Jr. na mapapanood next year.
Oh God https://t.co/iDT0KSWsIU
— 🌺JANINE (@janinegutierrez) December 18, 2019
Tweet ng GMA Network, “Handa na ba kayong muling mapanood sa telebisyon si Senator Bong Revilla? Abangan siya ngayong 2020 sa #AgimatNgAgila!”
Reaction ni Janine: “Oh God.”
May mga fans na natawa sa comment na iyun ni Janine na sinagot niya pa ulit ng “Di ko kaya besh.”
Kung marami ang natawa, may iba namang nagpahayag ng pagkadismaya tulad na lang ng veteran manager at columnist na si Manay Lolit Solis.
Sa mahabang post, sinabi ni Nay Lolit na nirerespeto niya ang political beliefs ni Janine pero dapat ay maging magaan siya sa pagbibigay ng chance sa kapwa.

View this post on InstagramA post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on
“Siguro gusto ni Janine Gutierrez na mapansin ko siya kaya wagas ang kanyang comment na ‘Oh God’ tungkol sa pagbabalik ni Bong Revilla, Jr. sa telebisyon.
“The nerve na mag-negative comment siya sa television comeback ni Bong, ang Agimat ng Agila.
“How can she be so cruel in giving a second chance to a co-actor like Bong without even thinking if not for the goodness of other people, she won’t be where she is today?
“Alam naman siguro ni Janine ang history ng kanyang nanay na si Lotlot de Leon. Sa kabutihan ng pamilya ni Nora Aunor, inampon, pinalaki at inalagaan si Lotlot at nagkaroon ng anak na Janine Gutierrez na niyakap din at minahal ng showbiz. Dapat sa mga pagkakataon na gusto ni Janine na magbigay ng opinyon, isinaalang-alang niya sana ang pang-unawa at respeto, dahil kaibigan si Bong ng kanyang lolo na si Christopher de Leon.
“I respect what she feels, or her political beliefs, pero sana inisip ni Janine na more than anyone else, siya ang dapat ang mas maging magaan sa pagbibigay ng chance sa isang tao na gusto nang bumalik sa mundo na pinanggalingan.
“Mabuti na lang, isa lamang talent ng GMA 7 si Janine. Just imagine kung siya ang may-ari ng network, hindi pala niya bibigyan ng trabaho si Bong. Hindi siya papayag na ampunin ang isang gusto na magkaroon ng trabaho. Buti na lang at hindi siya naging box office queen na makakatulong sa career ni Bong.
“Wala pa naman akong narinig na nagkaroon si Janine ng blockbuster movie o television show na naging sobra ang taas ng rating kaya hindi rin siya makakatulong sa career ni Bong na marami nang napatunayan sa showbiz at public service.
“A piece for advice Janine Gutierrez, sana maging maligaya ang lovelife mo para mas maging mabuti ang puso mo. Love thy neighbor, dahil kung hindi sa kanila, hindi ka naging Janine Gutierrez.
“Sayang, love pa naman kita. Now takot na ako dahil baka maging judgmental at I am cleaner than you are attitude ka rin sa akin dahil sa mga nagawa kong pagkakamali, you will never give me a second chance. Hoping you will do well, kumita at mag-rate sana ang mga project na ginagawa mo.”
Nagbahagi muli ng post si Manay Lolit sa kanyang Instagram account dahil lumitaw ang pangalan ng Lotlot de Leon , ina ni Janine Gutierres.
View this post on InstagramA post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on
“I know iyon feeling ni Lotlot de Leon, Salve, sa IG post ko about Janine Gutierrez. Iyon exactly ang naging feeling ko nang mabasa ko ang bashing kay Bong Revilla after ng reaction ni Janine na OMG at di ko kaya besh.
“I don’t intend to belittle, dishonor Janine, dahil like what Sandy de Leon said, mabait, magalang, at lumaking dalaga na ipagmamalaki ng kahit sinong magulang.
“In fact, sinulat ko nun how I admire Lotlot sa pagpapalaki ng mga anak niya. Lagi kong sinasabi, iyon mga bashing sa akin at halos pagmumura na ng iba, OK lang, natatawa pa nga ako kung minsan dahil I find it funny reading comments na masama from people I don’t even know. I cannot be judgemental in the sense na ang dami ko rin palpak na ginawa, mga kasalanan, o mga bagay na dapat hindi ko ginawa.
“If I write or opinionate, dahil writer ako, dahil iyon feeling ko, pero I find it out of bound kung kasamahan kong writer ang sisiraan ko. Kaya iyon din ang paniwala ko sa artista, puwede sila magalit sa writer, magsalita, pero pag kapwa nila artista dapat maingat sila. Iyon bang kapwa ko artista ito, kapatid ko ito, dapat tulungan kami, dapat kampi kami. Kung mali ako dun, sorry.
“As I want people to respect my opinion, I will also respect theirs. At tulad ni Lotlot de Leon na nasaktan dahil sa anak niya na si Janine Gutierrez, para din akong isang ina kay Bong Revilla na nasaktan din.
“But now, at least I know na never matatanggap ni Janine Gutierrez si Bong Revilla. I respect that, I admire her for being open with her feelings. Sorry Lotlot. Case closed. #classiclolita#takeitperminutemeganun#72naako
Wala pang sagot si Janine sa post ni Manay Lolit habang sinusulat ang balitang ito.
Article : latestchika.com / akosilolitsolis Instagram
You may like
-
Sharon Cuneta na-touch kay Donita Nose bilang mabuting kaibigan, “Sana madami pang katulad mo”
-
”Iconic Fashion Designer” sa Japan, pumanaw na dahil sa COVID-19
-
Certified Plantita | Aubrey Miles, P300,000 ang binayad para sa kanyang pinakamahal na halaman?
-
LOOK: “Ramen mask” denisenyo ng isang Japanese Designer na si Takahiro Shibata
-
JOHN REGALA NA-OSPITAL, SAKIT MALALA NA
-
BOYS LIKE GIRLS, IPINAGLIBAN ANG TOUR SA BANSA SA GITNA NG COVID-19 PANDEMIC