Connect with us

Entertainment

Yeng Constantino may mensahe kay Pres. Duterte ukol sa renewal ng ABS-CBN franchise

Published

on

Photo courtsey| Yeng Constantino (pep.ph) at Pres. Rodrigo Duterte (web)

Tinanong si Yeng Constantino tungkol sa nagbabantang hindi pagkaka-renew ng franchise ng ABS-CBN at ang posibilidad ng pagkakasara nito.

Narito ang mensahe ni Yeng para kay Presidente Rodrigo Duterte na ilang beses nang nagsabing ipasasara niya ang ABS-CBN:

“Sir, saludo po ako sa marami niyong ginagawa tulad ng paglilikom ng mga pondo para sa bansa natin, para sa investment. I don’t know what’s right and wrong for you. And ano yung pinakaugat at puno nito at humantong sa ganito.”

“Pero, Sir, ano, sana po ma-consider niyo rin po yung ibang mga artists na nagtatrabaho sa industriyang ito katulad po namin. Baka lang po, kumakatok lang po kami sa puso ninyo na baka maaari naman na hindi po maputol po yung source of living namin, Sir.”

Tinanong din siya kung napag-uusapan din nila ng kapwa artista ang magiging hantong ng ABS-CBN sa hinaharap at sabi ng Pop Rock Diva ay hindi nila ito pinag-uusapan.

“We don’t really talk about it. Parang ang hirap pag-usapan. Hindi naman sa wala nang panahon, it’s just sad to talk about. Pag minsan na lang kayo magkikita ng mga katrabaho mo, Sundays lang or a short time in Tawag ng Tanghalan, you don’t talk about things that will make you sad.”

“You choose to talk about things na light na lang. Pero, I feel na everyone’s sad about the thought na puwede siyang mangyari.”

Si Yeng Constantino ay isang singer at vlogger na nagta-trabaho sa ABS-CBN.

Source: Kami.com

                Pep.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *