Connect with us

Entertainment

Jolo Revilla at Angelica Alita, ikinasal na!

Published

on

Photo courtsey| via PEP.ph

Ikinasal na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla at girlfriend nitong si Binibining Pilipinas 2016 first runner up Angelica Alita sa picturesque Pelican Hill in Newport Beach, California.

Mismong si Senator Bong Revilla ang nag live stream ng kasal ng kanyang anak sa kanyang official facebook page.

Makikita sa video ng naging emosyonal si Jolo habang papalakad sa aisle ang kanyang fiancé hanggang sa nagpalitan sila ng kanilang vows.

PHOTO/S: COURTESY OF GORGY RULA VIA PEP.PH

Narito ang binitawang vow ni Jolo:

“Bebe, because of you and what you do, you made me a good man. Thank you for loving me…

“You made me realize that I don’t need to become someone else and pretend to be someone else. Tanggap mo kung sino at kung ano ako…

“Not all angels are in heaven, mine is here on earth, standing now in front of me, making sure my life would feel like I’m in heaven…forever.

“Basta kasama kita, saan man tayo pumunta, pakiramdam ko lagi akong nasa langit.

“I’ve never been so certain. Lagi na lang pabagu-bago ang isip ko sa mga bagay, pero sa iyo, sigurado ako.”

 “Akala ko noon, wala nang magmamahal sa akin. Akala ko wala nang mahuhulog at mai-in love sa akin.

“Pero napakabuti ng Diyos binigyan ako ng anghel na walang pakpak, at ikaw yun!

“I promise to be a good husband, good father to Gab, and to our future children.

“I promise to honor you, take care of you, and be with you for the rest of my life.”

Si Gab ay anak ni Jolo sa dating nubya na si Grace Adriano, anak ni Rosanna Roces.

Senator Bong Revilla (4th from R) and Lani Mercado’s (3rd from R) children: (L-R) Ram, Loudette, Bryan, Jolo, Gianna, and Inah with her husband Vince del Rosario.
PHOTO/S: COURTESY OF GORGY RULA VIA PEP.PH

Narito naman ang ganti ni Angelica:

“You know it’s true what they say, you know he’s the one when you see him, you’ll just know. This day is valid proof that it’s true.”

“I may appear strong to many, but you know my weaknesses, and I love you for that. Thank you for making it up for the things that I can’t.”

“I know Gab is a big part of your life, and I promise to God to love and care for him as my own.

“Today, I vow to know myself as you and you as myself.

“I promise to dream with you and be your biggest supporter, to encourage you, and to stand by you from this day forward.

“Jolo, hindi ka na iiyak mag-isa. At higit sa lahat, salamat sa Panginoon for directing you to me because now, I have finally found my heaven on earth with you and Gab by my side.

“Mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal kita.”

Nagbitaw rin ng mga salita si Angelica sa mga magulang ni Jolo, “Maraming salamat sa pagtanggap niyo sa akin.

“Ipinaramdam niyo sa akin na tanggap niyo sa ako sa pamilya.”

Then she thanked her own parents, “Mama, thank you for teaching me how to love.

“Thank you for showing me how to be strong in very difficult life situations.

“Papa, thank you for guiding me since day one. Alam mo namang ikaw ang idol ko.

“You are my hero, you are my inspiration, and I am with Jolo now because of your guidance and inspiration.”

Present naman sa kasalan ang ninong at ninang ng mag asawa na sina Davao City Mayor Sara Duterte, Senator Jinggoy Estrada, Congressman Martin Romualdez, Pampanga Governor Lilia Pineda, Cavite Governor Jonvic Revilla, Ramon Ang at iba pa.

Noong Pebrero nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon at Setyembre naman nag ianunsiyo ang kanilang engagement.

PHOTO/S: CORTESY OF GORGY RULA VIA PEP.PH

Source: Pep.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *