Connect with us

Entertainment

Emma Tiglao’s national costume sa Miss Intercontinental 2019, ipinasilip!

Published

on

Photo courtesy| Mark Neto Diaz facebook photo

Ipinasilip ng pambato ng Pilipinas na si Emma Tiglao ang kanyang susuuting national costume sa Miss Intercontinental 2019.

Gawa ang naturang costume ng Pampanga-based designer na si Rich Sabinian at tinawag itong “Buklod”.

Bukod kay Sabinian, pinagtulungan rin itong buuin ng PDL Basket weavers of Angeles District Jail Male Dormitory, ICTHS (Information and Communication Technology High School of Sindalan, San Fernando), and Rolrens Lanterns (Capis Parol Maker of Pampanga).

Ang kanyang suot naman na sarimanol head piece ay gawa ni Kevin Cayanan.

Si Emma ang huling reyna ng Bb. Pilipinas na makikipag-kumpetensiya ngayong 2019.

Gaganapin ang Miss Intercontinental 2019 sa darating ng December 21, 2019 sa Capital City ng India New Delhi at kasalukuyang hawak ni Karen Gallman ang titulo. – rappler.com

Panoorin ang kanyang costume-making processed.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *