Entertainment
Catriona Gray bet si Liza Soberano maging Miss Universe, pero…

Published
1 year agoon

Maski si Miss Universe 2018 Catriona Gray ay nakitaan ng potensyal ang aktres na si Liza Soberano bilang beauty queen.
Sabi ni Gray, magiging maganda raw pag-sumali si Liza at ikakatawan nito ang Pilipinas sa isang prestihiyosong international competition. Ngunit may mahalagang aspeto ang sinuman na nagnanais na maging beauty queen. Ito ay mayroong willingness at passion.
“Everyone’s always wanted Liza to join, ‘di ba? She’s very, very beautiful. I feel like she would be wonderful,” pag-uumpisa ni Gray.
“But I really feel that it needs to be the girl who wants to do it. Even if you have so many people saying, ‘Yes, this is for you! This is your path!’ unless you feel it… It needs to be your own passion, it needs to be your own will,” dagdag ni Gray.
Kaliwa’t kanan ang paghihikayat ng mga fans kay Liza upang sumabak ito sa national pageant, hanggang sa naging wishlist candidate ang aktres pagdating sa pageantry.
Matatandaan noong 2017, gumanap si Liza bilang Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa “Maalaala Mo Kaya” episode. Kahit na si Wurtzbach ay bet rin si Liza sa international competition.
Paglilinaw naman ni Liza tungkol sa pageantry, “I really want to focus on my acting career, because it’s my dream. When it comes to Miss Universe, I don’t think I will able to handle all the pressure but you know I’m not closing any doors maybe in the future if ever I do decide to join the pageant.,” saad nito sa isang interview noong 2017.
Source: ABS-CBN News
You may like
-
Sharon Cuneta na-touch kay Donita Nose bilang mabuting kaibigan, “Sana madami pang katulad mo”
-
Pambato ng Aklan sa Miss Universe, humingi ng suporta sa mga Aklanon
-
”Iconic Fashion Designer” sa Japan, pumanaw na dahil sa COVID-19
-
Certified Plantita | Aubrey Miles, P300,000 ang binayad para sa kanyang pinakamahal na halaman?
-
LOOK: “Ramen mask” denisenyo ng isang Japanese Designer na si Takahiro Shibata
-
JOHN REGALA NA-OSPITAL, SAKIT MALALA NA