Connect with us

Entertainment

Maine Mendoza ‘most-tweeted about’ celebrity ng Pilipinas ngayong 2019

Published

on

Photo from the web

Reyna pa rin ng Twitter Philippines ang Kapuso aktres na si Maine Mendoza.

Ngayong taon, nanguna pa rin si Maine bilang ‘most tweeted about’ celebrity sa bansa makaraang itampok sa sitcom, romantic film at bagong endorsements ang aktres.

“2019 is a fruitful year for Maine, having starred in a sitcom, a romantic movie, and a handful of new endorsements under her belt,” ayon sa Twitter.

Matatandaang sumikat si Maine bilang YayaDub mula sa dating phenomenal love team na AlDub kasama si Alden Richards.

Pangalawa naman sa most tweeted about si Maymay Entrata na sinundan nina Kissed Delavin, Alden Richards, Edward Barber, Kathryn Bernardo, Lou Yanong, Donny Panglinan, Aljon Mendoza at ang FM radio station na MOR 101.9.

Samantala, bukod sa pagiging ‘most tweeted about’ celebrity, most-used hashtag din ngayong taon ang #MaineMendoza.’

Source: ABS-CBN News

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *