Connect with us

Entertainment

Angel Locsin, hinirang na pinakagalante sa Asya

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Kinilala sa ika-13 Heroes of Philanthropy list featuring “30 outstanding altruists”in Asia Pacific  ng Forbes si Angel Locsin.

Ang listahan kinabibilangan ng mga bilyonaryo, mga negosyante, maging ng mga celebrities na gumagawa ng paraan upang matugunan ang mga isyung panlipunan sa rehiyon.

Napabilang rito ang 34-anyos na  actress dahil sa kaniyang mga naiambag sa iba’t ibang kawanggawa at mga adbokasiya.

Sa pagpapalabas ng bagong listahan, susuriin ang halaga ng donasyong pera, gayundin ang  lalim ng kanilang kaugnayan sa kanilang pinaglalaban. Ayon sa kanilang pahayag, “Our aim is to highlight those giving their own money, not their company’s (unless they are the majority owners of a privately-held firm),”

Ang dahilan kung bakit hinirang ng Forbes  si Locsin – ang kaniyang 1 milyong donasyon at ang personal na paghatid niya ng tulong sa mga residente ng Mindano na naapektuhan ng lindol noong Oktubre.

Ayon sa  Forbes,  nagpaabot din umano ang multi-awarded na aktres ng tulong sa mga biktima ng 2017 Marawi siege.  Dagdag pa nila, “Locsin, whose mother was adopted by a family from the island, has long helped the region, which has been riven by sectarian strife for decades,”

Saad ng magazine, sa loob ng halos isang dekada, umaabot na sa humigit kumulang ₱15M ang naibibigay na donasyon ni Locsin para sa mga educational scholarships, mga biktima ng bagyo at iba pang kalamidad, gayundin para sa karapatan ng mga indigenous peoples, maging ang pakikibaka para sa mga kababaihan at mga kabataan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *