Connect with us

Entertainment

Vhong Navarro, ikakasal na sa longtime partner na si Tanya Winona Bautista sa Japan

Published

on

PHOTO COURTESY| VHONG NAVARRO INSTAGRAM

Ikakasal na ang comedian-TV host na si Vhong Navarro at ang kanyang fiancée na si Tanya Winona Bautista.

Magaganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Kyoto, Japan sa Biyernes, November 29, 2019.

Ang Four Seasons Hotel sa Kyoto ang venue ng wedding ceremony at reception ng kasal nina Vhong at Tanya.

Dadaluhan ito ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Nag-advance taping na ng mga episode ang It’s Showtime cast dahil dadalo sa importanteng okasyon sa buhay ni Vhong ang mga kaibigan niyang malapit sa kanya na kinabibilangan nina Kim Atienza, Vice Ganda, Jhong Hilario, at Anne Curtis kasama ang asawa nitong si Erwan Heussaff.

Kabilang sa principal sponsors ang direktor at talent manager ni Vhong na si Chito Roño at ang Regal Entertainment producer na si Roselle Monteverde.

Labing-isang taon na ang relasyon nina Vhong at Tanya bago sila nagdesisyong lumagay sa tahimik.

Resident writer ng ABS-CBN si Tanya.

Higit siyang nakilala ng publiko nang saktan si Vhong ng businessman na si Cedric Lee at ng mga kaibigan nito noong January 22, 2014 dahil sa akusasyon na, diumano, inabuso ng TV host-comedian ang model at aspiring actress na si Deniece Cornejo.

Limang taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang insidente na naging national news noon, pero hanggang ngayon ay naghihintay pa rin si Vhong ng hustisya.

Nakuha ni Tanya ang paghanga ng publiko dahil sa unconditional love and support niya kay Vhong.

Malaya nang mapapakasalan ni Vhong si Tanya dahil matagal nang annulled ang kasal ng TV host-comedian kay Bianca Lapus. Jojo Gabinete / pep.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *