Connect with us

Entertainment

Pinoy singer Marcelito Pomoy makikipag-kumpetensiya sa ‘America’s Got Talent: The Champions’

Published

on

Photo courtesy| @marcelitopomoy8 Instagram post

Matapos na manalo sa season 2 ng “Pilipinas Got Talent” ang Pinoy singer na si Marcelito Pomoy ay susubok naman ito sa isang prestihiyosong palabas na ‘America’s Got Talent: The Champions’ para ipakita ang kanyang talento.

Makikipag-kumpetensya si Pomoy sa mahigit 40 former finalists at winners na galing sa iba’t-ibang Got Talent franchise para pag-agawan ang titulo.

“Sobrang hirap na laban dahil puro champions ng iba’t ibang bansa ang makakalaban ko. Hindi ito ‘yung ordinary season lang ng ‘Got Talent,’” saad ni Pomoy.

“Piling-pili po ang nakakalaban dito. Kung kaya sa tulong at suporta niyo, lalo’t higit sa inyong dasal, nawa’y tayo ay makapag-perform hanggang sa huli,” sabi pa nito.

“Actually sa audition round lang, masaya na akong maibahagi ang aking talento sa buong mundo, pero kung papalarin na makaabot sa grand finals, mas masaya, siyempre. Please pray for me.”, dagdag pa nito.

Si Pomoy ay ang kauna-unahang nakilala sa abroad dahil sa kanyang “golden female voice” nang nag-guesting ito sa “The Ellen DeGeneres Show” noong nakaraang taon.

Ipapalabas ang premiere ng America’s Got Talent: The Champions sa sununod na taon, January 6, 2020 sa NBC.

Source: ABS-CBN News

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *