Antique News
Karla Estrada, nag-homecoming sa Antique matapos ang 30 taon

Published
1 year agoon

Makalipas ang tatlong dekada, muling binalikan ni Karla Estrada ang probinsiya ng Antique, ang isa sa mga lugar na humubog sa kanyang pagkatao.
Binigyan ng engrandeng homecoming ng kanyang alma mater na Antique National School (ANS) si Karla, kasama ang mga kapwa-host ng “Magandang Buhay” na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.
Suot niya ang pulang gown, kapa, at korona bilang pagbabalik-tanaw sa panahong nanalo siya bilang Miss ANS noong 1990.
“Grabe, hindi ako makapaniwala na nakabalik ako after 30 years,” ani Karla. “Kailanman ay hindi ko makakalimutan ang Antique, lalong-lalo na ang Antique National School. Dito ako nag-umpisa ng aking pangarap.”
Dagdag ng aktres, nais niyang isama sa Antique balang araw ang kanyang anak na si Daniel Padilla, bagay na ikinatuwa ng mga fans ng aktor sa ANS.
Maliban sa homecoming parade, binigyan din ng paaralan si Karla ng isang plaque of recognition dahil nagsilbi siyang inspirasyon sa milyun-milyong Pilipino sa pamamagitan ng “Magandang Buhay.”
Dahil dito, hindi na napigilan ng aktres ang maiyak sa tuwa sa mainit na pagtanggap sa kanya ng kanyang mga kababayan.
“Sobrang saya ko and I’m very grateful na after so many years na hindi ako nakauwi, na-recognize niyo pa rin ako,” aniya. “Hinding-hindi ko makakalimutan ang buhay ko rito sa Antique, at siyempre sa eskwelahang ito na nagbigay talaga sa akin ng isa sa mga katuparan ng aking pangarap.”
“Sa mga estudyante na andito ngayon, gusto ko na magsilbi itong inspirasyon. Mangarap kayo at wag niyong kakalimutan kung saan kayo nanggaling,” dagdag niya.
Doble ang selebrasyon ni Karla sa Antique dahil maliban sa homecoming ay ipinagdiriwang din niya ang kanyang kaarawan.
Nag-donate ang aktres ng mga computer sa ANS bilang maagang pamasko sa kanyang alma mater. – ABS-CBN News
You may like
-
6 na Philippine Hanging Parrots, nasagip sa Antique
-
Sharon Cuneta na-touch kay Donita Nose bilang mabuting kaibigan, “Sana madami pang katulad mo”
-
”Iconic Fashion Designer” sa Japan, pumanaw na dahil sa COVID-19
-
Certified Plantita | Aubrey Miles, P300,000 ang binayad para sa kanyang pinakamahal na halaman?
-
LOOK: “Ramen mask” denisenyo ng isang Japanese Designer na si Takahiro Shibata
-
“ONE-SEAT APART” NA ARRANGEMENT SA HALIP NA 1-METER PHYSICAL DISTANCING, IPAPATUPAD SA MGA PUV’s SA WV SIMULA SETYEMBRE 28, 2020