Connect with us

Entertainment

Dibdib ni Angeline Quinto, na-bash ng netizen

Published

on

PHOTO/S: SCREENGRAB FROM ASAP NATIN 'TO / CTTO VIA @SHENIEL_CHONG INSTAGRAM via Pep.ph

Nakatikim ng batikos ang singer-actress na si Angeline Quinto ng netizen dahil sa pagsusuot niya ng revealing outfits sa ABS-CBN musical-variety show na ASAP Natin ‘To.

Ayon sa isang netizen, “Hoy anggee…kung kakanta ka nman sa asap lantaran na ung boobs mo kkahiya ka!!! ayos ayosin mo nman ganyan ba ang dalagang pilipina…”

Agad naman na umalma ang singer at sinagot ng,  “maka Hoy naman po kayo sa akin, ni magulang ko hindi po ako tinatawag ng ganyan. Sana po kahit papaano maging mabuting ehemplo din kayo sa ibang kabataan,” ani Angeline sa post.

“Kung problema niyo po ang boobs ko, huwag niyo na pong pagaksayahan ng panahon dahil nasisiguro ko mas maraming bagay ang dapat pinagkakaabalahan ninyo sa personal niyong buhay kesa sa boobs ko. Tama po? Salamat po,” pahayag ng singer.”, pahayag ng singer

PHOTO/S: @ANGELINEQUINTO INSTAGRAM via Pep.ph

Kamakailan lang, inamin ng singer na nagpabawas ito ng kanyang dibdib.

Aniya, ito ay ang kanyang paraan upang magkaroon ng kumpiyansa o self-confidence sa kanyang sarili.

WATCH: Angeline Quinto, umamin na nagpabawas ng dibdib

Source: ABS-CBN News

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *