Connect with us

Entertainment

Ynna Asistio, isinugod sa ospital dahil sa matinding sakit sa tiyan

Published

on

Ynna Asistion. Photo courtesy| imdb.com & screenshot from Nadia Montenegro Pla/Facebook

Isinugod sa ospital kagabi ng madaling araw ang dating actress na si Ynna Asistio dahil nakaramdam ito ng matinding sakit sa tiyan.

Isinailalim ang aktres sa CT-scan at na-rule out na appendicitis ang resulta at kailangan pa rin siyang operahan.

Ayon sa kanyang ina na si Nadia Montenegro, kinumpirma nitong isang rare abdominal disease na volvulus ang sakit ng kanyang 28-anyos na anak.

PHOTO/S: SCREENSHOT FROM NADIA MONTENREGRO PLA/ FACEBOOK

Ang volvulus o sigmoid volvulus ay isang rare abdominal condition. Nakukuha ito mula sa “malrotation” na kung saan ang intestines ay pumupulupot na siyang sanhi para ma-block ang pagkain at liquid.

Biglaan ang paglabas ng sintomas ng volvulus, at isa na rito ang matinding abdominal pain na naranasan ni Ynna sa loob ng limang oras.

“Pray for me please.” Ito ang ibinahagi at panawagan ni Ynna sa kanyang Instagram followers.

PHOTO/S: SCREENSHOT FROM @ASISTIOYNNA ON INSTAGRAM

Isasailalim pa ang aktres sa maraming tests bago ito operahan.

Sa Ynna Asistio ay isang contract artist ng GMA Network, ABS-CBN at TV5. Siya ay gumanap isa sa mga karakter ng GMA network’s shows na “Mga Mata ni Anghelita”, “Who’s Your Daddy Now?” at La Vendetta. Siya rin ay lumitaw sa isa ABS-CBN’s show na Minute-to-Win-It.

Source: Pep.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *