Connect with us

Entertainment

Robredo, sisibakin ni Duterte sa ICAD kapag nagbulgar ang “state secrets”

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sisibakin sa pwesto si Vice President Leni Robredo bilang co-chairman ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) kapag nagsiwalat siya ng mga classified information na may kinalaman sa pamamalakad ng pamahalaan kung saan maaaring maglagay sa peligro ang estado.

Nag-ugat ito sa pakikipag-pulong ng bise-presidente United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC), mga community-based advocacy groups at maging sa mga opisyal ng U.S. Embassy upang pag-usapan ang problema sa droga ng bansa

Ayon sa pangulo, “There’s a limit to that. I know that she’s a lawyer and she has other advisers… There are certain matters that should be kept with the government, that classified matters cannot be shared. Once [she does] that, she’s out, I would fire her. Because you jeopardized the security of the state.”

Nanindigan si PDU30 na kung ang seguridad ng bansa na ang pinag-uusapan, hindi siya magdadalawang isip na alisin bilang co-chairman ng ICAD si Robredo.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *