Connect with us

Entertainment

Ethel Booba, planong magpakasal sa susunod na taon

Published

on

Handa nang mag-asawa ang comedian-singer na si Ethel Booba.

Ayon kay Ethel, natagpuan na niya ang tamang lalaki na makakasama niya sa panghabang-buhay sa katauhan ng boyfriend na si Jessie Salazar.

Nakilala ni Ethel ang kanyang boyfriend noong 2017 dahil chef ito sa isang restaurant sa Boracay Island.

Kasabay ng pagtanghal bilang kauna-unahang Tawag ng Tanghalan Celebrity Edition grand champion sa noontime show na It’s Showtime si Ethel ay ibinahagi rin nito na anim na buwan na siyang buntis.

“Ano ba ‘yan, naiiyak ako. I’m happy for the gift of life… Double celebration. Double congratulations to me,” saad ni Ethel

“Oo siyempre ito na nga. Six months,” she went on. “Kaya nahihirapan akong kumanta, parang lalabas ang bahay-bata ko… Pasensiya na, hindi ako makabuga [sa pagkanta], ang sakit talaga ng puson ko.” dagdag pa nito.

Panoorin: ABS-CBN News| ‘Six months’: Ethel Booba reveals pregnancy

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *