Connect with us

Entertainment

Karla Estrada, in a relationship na!

Published

on

PHOTO/S: COURTESY: KARLA ESTRADA ON FACEBOOK

Matapos lumabas ang mga retrato tungkol sa bago niyang inspirasyon, opisyal nang inamin na ni Karla Estrada na mayroon na siyang bagong pag-ibig.

Sa “Magandang Buhay” nitong Huwebes, inamin na ni Karla na may bago na siyang nobyo na nakasama niya sa naging pagtungo niya sa Japan kamakailan.

Panoorin: Karla Estrada pinagtapat na may boyfriend na siya

“Bukod sa last year na kasama ko ang mga anak ko na nag-snow kami… ito ang pinakamasaya na nakasama ko ang partner naman,” pag-amin ni Karla.

At sa pag-amin ni Karla, hindi naman maitago ng kanyang “Magandang Buhay” co-hosts na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal ang pagkakilig at kasiyahan.

“Ayun na nga, momshies, it’s official: in a relationship ang Queen Mother,” ani Jolina.

“Inamin na niya sa telebisyon. I love it,” ani Melai.

Paliwanag ni Karla, nararapat lang na aminin na niya ang kanyang relasyon dahil sa mabuting tao ang kanyang nobyo.

“Deserve naman. He is a very good man,” paliwanag ni Karla.

Article| ABS-CBN News

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *