Connect with us

Entertainment

Ruru Madrid, muntik nang masagasaan ni Bianca Umali dahil sa selos?

Published

on

Photo from the web.

Matinding selos umano ang pinagmulan ng usap-usapang balita na muntik nang masa-sideswipe ng Kapuso aktres na si Bianca Umali ang Kapuso actor at rumored boyfriend nitong si Ruru Madrid.

Nangyari ang insidente pagkatapos ng red-carpet premiere night ng “Cara X Jagger”, ang pelikula ng APT Entertainment at Cignal Entertainment na pinagbibidahan nina Ruru at Jasmine Curtis-Smith, sa parking lot ng SM Megamall.

CARA X JAGGER OFFICIAL TRAILER

Diumano, dati nang pinagseselosan ni Bianca si Jasmine dahil vocal si Ruru sa pagsasabing crush nito ang leading lady niya sa Cara X Jagger habang si Jasmine naman ay very vocal sa relasyon nila ng boyfriend na si Jeff Ortega.

Ayon sa ilang eyewitness, dumalo si Bianca sa premiere night ng Cara X Jagger bilang suporta kay Ruru pero umalis din kaagad ito sa sinehan.

Akala ng lahat ay umuwi na si Bianca ngunit nasa parking lot pala ito naghihintay.

Papunta na sana ng cast party ng Cara X Jagger sina Ruru at Jasmine nang sumilip daw si Bianca sa loob ng sasakyan ng aktor para tingnan kung sino ang mga kasama nito at sarcastic itong nagsabing ‘Congrats, ha!?’ pagkatapos ay bumalik sa kanyang sasakyan.

Kasama ng aktor na nasa unahan sina Jasmine, Direk Ice Idanan, at may dalawa pang kasama na nagsisiksikan sa likuran.

Bumaba rin umano si Ruru para sundan si Bianca ngunit pinaharurot na ng aktres ang sasakyan na tila sasagasaan ang aktor.

Marami ang nakasaksi sa nangyari kabilang na ang ama ni Ruru na si Bong Madrid na mahigpit na niyakap ang anak at napaiyak dahil sa nagawa ni Bianca.

Sa pakikipagpanayam kay Ruru Madrid, itinanggi nitong muntik na siyang ma-sideswipe ni Bianca dahil sa selos.

Kinalulungkot rin nito na may mga lumalabas na balitang hindi naman totong nangyari kaya’t mas mabuti na alng umano na hindi na ito magbigay ng komento dahil may maaapektuhan at may lalabas na masama.

Samantala, inaabangan na ng mga tagasuporta at kaibigan ang pahayag ni Bianca Umani sa kung ano talaga ang tunay na nangyari.

Panoorin ang nagging pahayag ni Ruru Madrid sa lumabas na balita:

Source: Pep.ph

                Push.abs-cbn

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *