Connect with us

Entertainment

“MARLBORO MAN,” SUMAKABILANG-BUHAY SA EDAD NA 90

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Namayapa kahapon si Robert Norris, o mas higit na kilala bilang “Marlboro Man” sa edad na 90 sa kanyang rancho sa Colorado Springs, Colorado.  Naulila niya ang kaniyang 2 anak na lalaki at 2 anak na babae, 13 apo, at 18 apo sa tuhod.

Si Norris ay nakikita sa mga billboards at mga magazines bilang modelo ng isang brand ng sigarilyo sa loob ng 12 taon. Tumatak ang kaniyang imahe na nakasuot ng cowboy hat, at may sigarilyong nakaipit sa mga labi, o di kaya ay tangan-tangan niya.

Sa kabila ng imaheng ito, hindi kailanman nagsigarilyo si Norris.  Iniwan din niya ang pagmo-modelo sa nasabing produkto dahil ayaw niyang maging masamang ehemplo sa kaniyang mga anak.

Si Norris ay ipinanganak sa Chicago. Sa murang edad, napagpasiyahan niyang maging isang cowboy.

Nang panahon ding iyon, ang mga advertising executives ng kumpaniya ng sigarilyo ay ay nag-iisip kung paano bebenta sa mga kalalakihan ang sigarilyo dahil ito ay nauna nang ipnakilala bilang sigarilyo ng mga babae.

Dito naisipan nig advertiser na si Leo Burnett na kumuha ng cowboy na magdadala ng kanilang produkto.

Noon ay kumukuha sila ng professional models” subalit hindi naglaon, nagpasiya ring kumuha ng totoong cowboy.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *