Connect with us

Entertainment

Pastor Quiboloy, renesbakan ng isang broadcaster kay Vice Ganda

Published

on

Brodkaster Mike Abe (kaliwa), Pastor Apollo Quiboloy (gitna) at Vice Ganda (kanan). Photo from the web

“Baka masalubong kita at di ko matantiya anong gagawin ko sa ‘yo!” – Mike Abe

Matapos maging subject ng katuwaan si Pastor Quiboloy nina Vice Ganda at iba pang host ng noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime, hindi na nakapagpigil at rumesbak ang isang Broadcaster na si Mike Abe at binalaan si Vice Ganda sa ginawang katuwaan nito sa Pastor.

Sa sobrang gigil nito ay bumitiw ng matitinding salita si Abe on air sa programang Usaping Bayan ng SMNI news channel.

Aniya, hindi niya hahayaang pagpyestahan si Quiboloy dahil alam nito kung anong personalidad ang mayroon ang Pastor.

Alam niyo ho, kaya hindi ko po pinalampas ito… ito, sasabihin ko po sa inyo nang direktahan na ngayon, ha. Trabaho lang po ito, ito ho, personal ko po ito, ha… wala hong kinalaman itong programang ito, itong network na ito. Hindi po ako member ng Kingdom, ” wika ni Abe.

“Yung pagrespeto ko kay Pastor, mahigit pa siguro sa member. Grabe po ang pagrespeto ko kay Pastor Quiboloy… hindi po siya ganun… lahat sa kanya, tulong.Lahat ho siya ay bigay, kahit hindi kakilala, tinutulungan. Kahit hindi kilala, dinadamitan, pinapakain, pinag-aaral, kinakausap pag may oras. Ganun po siya. Walang kayabang-yabang. Simpleng-simple lang… hindi po totoo yung sinabi ni Vice K na mayabang si Pastor, hindi ho totoo yun.” dagdag pa nito.

Binalaan rin ni Abe si Vice Ganda na mag-ingat dahil baka makasalubong nito ang mga may galit sa kanya at maging siya.

“Pasalamat kayo… sana hindi ‘yan makasalubong ng mga taong nagagalit sa kanya, baka may paglagyan ‘yang mamang ‘yan. Mama naman ‘yan, hindi naman ho babae ‘yan, e.” sabi nito.

“Vice K, huwag mong gagawin ulit ‘yan at baka masalubong kita at di ko matantiya anong gagawin ko sa ‘yo,”

Sa kanyang pahayag ay binanggit rin ni Abe ang ABS-CBN at chairman ng MTRCB at umaasa itong aksyunan ang kanyang concern sa pambabastos ng kapwa sa industriya.

“Kaya sabi ko nga, ginawa po ng ABS-CBN, kayong mga taga-ABS, after money lang kayo. After rating lang kayo. Yan pong inyong talent na ‘yan, inyong pagsabihan ‘yan,”sabi nito.

“Tinawagan ko ng pansin, MTRCB umaksiyon kayo rito, paglapastangan ito sa industriya ng broadcast.” Sabi nito.

Ang SMNI News Channel ay pag-aari at founder ng Sonshine Media Network International na si Pastor Quiboloy.

Panoorin ang bwelta ng Brodkaster na si Mike Abe kay Vice Ganda:

Source: PinoyTrend

Continue Reading
Advertisement
1 Comment

1 Comment

  1. Bitoy

    November 10, 2019 at 11:40 am

    Pag pinatulan mo ang isang komedyante sinong katawa tawa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *