Connect with us

Entertainment

Pastor Quiboloy, Tinanggap ang hamon ni Vice Ganda

Published

on

Source: LUCIS

Tinanggap na ni Pastor Apollo Quiboloy ang Challenge ni Vice Ganda sa kanya. Sinabi rin ng Pastor na baka hindi lang ang Probinsyano ang ma-stop kung hindi ang buong ABS-CBN.

“Lindol lang ung pina stop ko eh dumating pa yung challenge na ipa stop ko daw yung probinsyano o kaya yung sa EDSA. Kailan mo ba gustong mapa stop ang Probinsyano? Ikaw, mamili ka, kelan mo ba gustong ma stop?Isang buwan? dalawang buwan? tatlong buwan? apat na buwan? Ikaw, pili ka. Baka sa apat na buwan di lang yung Probinsyano ang ma stop, baka pati yung network mo stop na yan.”, banat ng Pastor.

Nanganganib na hindi ma-renew ang prangkisa ng higanteng network na mag expired sa March 30, 2020 dahil sa banta ng Pangulo na hindi niya hahayaang ma-renew ang ABS-CBN dahil sa pagiging bias nito at hindi pag ere sa kanyang political ads noong nakaraang election campaign period kahit nagbayad sila ng buo.

 Nagbiro rin ang Pastor na paano mapa-stop ang traffic sa EDSA kung naka stop na.

“Sinabi mo pahintuin ko ang traffic sa EDSA, paano ko pahihintuin, nakahinto na. Ang dapat mong sinabi pabilisan, pabilisan ang traffic, pabilisan ang traffic flow, eh paano ko pahintuin eh nakahinto na nga eh. Naging parking lot na nga ang EDSA eh, nakahinto na. Paano ko pa pahihintuin ang nakahinto na.” Banat ng Pastor kay Vice Ganda.

Panoorin ang video:

Position: Online Admin Years/background in Media works: 7 yearsWhy chose this profession:I love this job, this made me for what & who I am. Principle in life: It doesn't matter where you're from, but in choosing where you'll be & what will you become.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *