Connect with us

Entertainment

Pelikulang ‘Metamorphosis’ binigyan ng X rating ng MTRCB

Published

on

Photo courtesy| Jose Tiglao Facebook photo & ClickTheCity.com

Binigyan ng X rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pelikulang ‘Metamorphosis’ dahil sa pagpapakita ng ilang maseselang eksena.

Ang pelikulang “Metamophosis” ay ukol sa isang teenager na ipinanganak na mayroong ari ng lalaki at babae.

Isa itong kondisyon na kung tawagin ay Intersex na kinukunsiderang “abnormal” at kadalasang tinatawag na “freaks”.

Ayon sa MTRCB, sinabi nila na “not suitable for public exhibition” ang pelikula dahil sa “sexually explicit scenes” nito.

Ipinagtanggol naman ito ni Jose Tiglao, ang director ng “Metamorphosis”, sinabi nito sa kanyang Facebook account na ang mga eksena ay hindi lamang purong kalibugan.

Nais lamang niyang maipakita ang pagkatao at pinagdadaanan ng mga tao na mayroong ganitong kundisyon, dagdag pa nito.

Narito ang nakasaad sa Facebook post ni Jose Tiglao:

“JUST IN: Our film 𝕞𝕖𝕥𝕒𝕞𝕠𝕣𝕡𝕙𝕠𝕤𝕚𝕤 was NOT approved by MTRCB for public viewing. Hindi R-16 or R-18 man lang. Sabi nila “not suitable for public exhibition” daw dahil sa ilang maseselang eksena.

“The daring scenes aim to humanize the character who is an intersex. Intersex people are victims of stigma and misconceptions due to their unconventional anatomy. They were called “freaks” and “abnormal”.

Ang mga eksenang ito ay hindi lamang purong kalibugan. Ito ay pagpapakita ng kanilang pagkatao, ng kanilang sexual desires, ng kanilang pagkalito at pagkabigo– mga bagay na pinagdadaanan nating LAHAT, intersex man o hindi.

“Ang mga eksenang ito ay paghahayag na sila din ay mga TAO. Na walang mali sa kanila. Na sila ay normal. They are beautiful as they are.

“We will try to re-edit the film tonite to lessen the daring scenes pero hindi ko maipapangako na matatanggal ko ang lahat masunod lang ang kanilang standard sa puntong mawawalan na ng bayag ang pelikula.

“Bukas (Wednesday) pupunta akong MTRCB and try to defend the latest cut. Bahala na.

“Ang lungkot lang isipin na mukhang hindi niyo mapapanood ang putol ng pelikula na gusto namin para rito. Pelikula na sana, sa unang pagkakataon, ay magrerepresent sa mga kapatid nating intersex sa larangan ng pelikula. #LabanMeta #MetaFilm

Nakatakda pa naman na ipalabas ngayong araw ng Huwebes ang pelikula sa Cinema One Originals Film Festival.

Umaasa rin si Ronald Arguelles, ang head ng Cinema One, na makapasa ang final cut ng pelikula sa standards ng MTRCB at makaabot ito sa oras ng festival’s premiere.

watch: Metamorphosis trailer

Source: ABS-CBN News

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *