Entertainment
Metal band Slipknot may concert sa Pinas

Published
1 year agoon

‘SLIPKNOT LIVE IN MANILA’.
Nasasabik na inanunsyo ng PULP Live World ang live concert ng masked heavy metal band legend na Slipknot na isasagawa sa March 29, 2020 sa Amoranto Stadium, Quezon City.
Isa sa mga napili ng American band ang Pilipinas para sa kanilang ‘We Are Not Your Kind World Tour’.
Ito rin ang kauna-unahang konsyerto ng Slipknot sa bansa.
Ang bandang Slipknot ay binubuo ng siyam na myembro sina Corey Taylor, Mick Thomson, Paul Gray, Joey Jordison, Shaw Crahan, Chris Fehn, Craig Jones, Sid Wilson at Jim Root.
Naging tanyag ang Slipknot sa kanilang eponymous debut album noong 1999 at nakilala sa kanilang ‘energetic live shows’ kung saan sila ay nakasuot ng nakakatakot na mascara habang nagpeperform sa entablado.
Noong 2006, nanalo ang kanilang kanta na “Before I Forget” bilang Best Metal Performance sa Grammy Award.
Bukod pa dito, nag-top din sa maraming chart-topping albums ang kanilang pyesa.
Magsisimula ang bentahan ng concert ticket sa darating na Nobyembre 23, sa halagang P2,220 hanggang P6,660, sa pamamagitan ng SM Tickets, TicketNet, and AirAsia RedTix.
Kabilang sa mga pinasikat na kanta ng Slipknot ay “Psychosocial,” “Duality,” at “Before I Forget.”
You may like
-
Sharon Cuneta na-touch kay Donita Nose bilang mabuting kaibigan, “Sana madami pang katulad mo”
-
”Iconic Fashion Designer” sa Japan, pumanaw na dahil sa COVID-19
-
Certified Plantita | Aubrey Miles, P300,000 ang binayad para sa kanyang pinakamahal na halaman?
-
LOOK: “Ramen mask” denisenyo ng isang Japanese Designer na si Takahiro Shibata
-
JOHN REGALA NA-OSPITAL, SAKIT MALALA NA
-
BOYS LIKE GIRLS, IPINAGLIBAN ANG TOUR SA BANSA SA GITNA NG COVID-19 PANDEMIC
jay
November 11, 2019 at 6:31 pm
9 po ang members ng SLIPKNOT