Connect with us

Entertainment

Hamon ni Vice Ganda kay Pastor Quiboloy: ‘Ipahinto mo na ang Probinsyano at traffic sa EDSA’

Published

on

Its Showtime host Vice Ganda and Pastor Apollo Quiboloy. Photo from the web

Usap-usapan ngayon sa social media ang paghamon ng komedyante at host na si Vice Ganda sa nagpakilalang ‘Appointed Son of God’ at ‘Owner of the Universe’ na si Pastor Apollo Quiboloy.

Sa episode ng It’s Showtime nitong Martes, napag-usapan nina Vice, Jhong Hilario, at ng “Tawag ng Tanghalan Celebrity” champions contestant na si Gian Magdangal ang ‘Ang Probinsyano’ ng ABS-CBN dahil pare-pareho silang naging bahagi ng primetime series ni Coco Martin.

Hamon ni Vice, kung totoong napahinto ni Quiboloy ang lindol sa Mindanao, dapat ay mapahinto rin ng pastor ang teleseryeng ‘Ang Probinsiyano’ ni Coco Martin pati na ang traffic sa EDSA.

Alam mo kung sino lang ang pinakamatinding magiging kalaban ni Cardo. Nako, kabahan na si Cardo. Ang pinaka-kalaban ni Cardo, feeling ko si Quiboloy, ‘yung nagpahinto ng lindol? Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng Probinsyano abangan niyo ‘yan,” ani Vice.

“So, ano? Hinahamon kita Quiboloy, pahintuin mo nga ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol eh. Napakayabang niyo pala eh. Sabi niya raw ‘stop’. Sige nga, punta kang gitna ng EDSA, stop mo yung traffic doon. ‘Stop!’ Iba ka Quiboloy,” hirit ni Vice.

Nag-trending ang leader ng Davao-based religious group na Kingdom of Jesus Christ nang sabihin nitong malaki ang nagawa niya para mapatigil ang malakas na lindol na 6.6 magnitude sa Mindanao.

Hindi si Vice Ganda ang una at nag-iisang humamon kay Quiboloy dahil humirit din ng hamon ang naughty netizens na pahintuin ang away ng Barretto sisters.

Source: Philstar/Pep.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *