Connect with us

Entertainment

Katy Perry, idinedemanda dahil sa ipinost na Instagram pic ng Kanyang Halloween costume

Published

on

Katy Perry Halloween costume

Dahil sa pag-post ng kanyang Halloween costume sa Instagram, idinedemanda ang singer na si Katy Perry sa halagang USD 150, 000.

Pagdating sa Halloween costume, laging all-out si Katy Perry. 

Patunay niyan ay ang 2016 Haloween kung saan ang costume niya ay si US presidential nominee Hillary Clinton. Nagpalagay pa siya ng prosthetics at ginaya ang pananamit ni Clinton. 

Ang siste, nag-post si Perry ng litrato nya na kuha ng isang Paparazzi.  Makikita sa litrato si Perry na naka-costume ng Hillary Clinton. Ipinost niya ang litrato para sana makita ng kanyang mga followers ang kanyang getup, ngunit ayon sa E! News, diumano’y hindi daw humingi ng permiso si Perry mula sa Backgrid, ang photo agency na nagmamay-ari ng rights ng nasabing litrato. 

Idinedemanda ngayon ng nasabing photo agency si Perry dahil sa hindi pagbayad sa agency para sa permiso na magamit ang litrato.

Hindi lamang si Perry ang nagkaproblema sa photo agencies dahil sa Instagram posts. Binweltahan ni Gigi Hadid ang isang photo paparazzi agency noong Oktubre matapos siyang idemanda sa pareho ring dahilan.  (Ang copyright lawsuit laban kay Gigi ay na-dismiss.)

Idinemanda rin ng Splash News and Picture Agency si Jennifer Lopez sa halagang USD 150, 000 matapos niyang mag-post ng litrato nila ni Alex Rodriguez na naglalakad sa kalsada. 

Wala pang inilalabas na pahayag ang parehong kampo nina Jennifer Lopez o Katy Perry tungkol sa nasabing isyu.

BASAHIN: Taylor Swift ‘Artist of the Decade’ sa American Music Awards

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *