Connect with us

Entertainment

Ai-ai Delas Alas, nahirapan sa 7 taon na pagiging kabit

Published

on

Inamin ng Comedy Drama Queen na si Ai Ai Delas Alas na naging kabit ito ng mahigit pitong taon.

Sa isang presscon pagkatapos ng kanyang contract signing sa Kapuso network, inilahad nito ang kanyang naging karanasan nang makipagrelasyon ito kay Miguel Vera.

“Oo, naranasan ko rin, mahirap, crayola ka nang crayola (iyak nang iyak), mahirap! Siyempre kung ano lang ang time para sa ‘yo,” ani Ai-ai.

“Parang ang bigat-bigat ng buhay mo, tapos parati kang malungkot, ganun, hindi ka maging masaya,” dagdag pa nito.

Naging bunga ng relasyon nila sina Sofia at Nicollo.

Nagbigay rin ng payo si Ai-ai sa mga babaing gaya niya ay nagdesisyon na maging isang other woman o kabit.

“Masama ang maging Cavite Girl (kabit) at siguro sa mga ganun, try niyo na lang na huwag maging ganun,” aniya.

“Try niyo na lang na huwag hangga’t maari. Kung pwede na iwasan, iwasan na lang kasi syempre, sabi nga nila, bawat pagpatak ng luha noong legal na asawa, yun ang pagbabayaran mo.

So ako tingin ko marami akong binabayaran,” saad pa nito.

Kasalukuyang masaya na si Ai-ai sa piling ng kanyang asawa na si Gerald Sibayan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *