Connect with us

Entertainment

Lars Pacheco nagsalita na ukol sa It’s Showtime nip-slip incident

Published

on

Larawan mula kay @pachecolars Instagram photo

Nagsalita na ang trans woman na si Lars Pacheco tungkol sa hindi inaasahang wardrobe malfunction nito sa It’s Showtime noong Biyernes, Octobre 25.

Sa opening portion ng ABS-CBN noontime show noong Biyernes, aksidenteng tumambad ang kaliwang dibdib ni Lars dahil nawala sa ayos ang kanyang haltered top.

Kuwento ni Lars, nang mag-uumpisa na ang programa ay nagmamadali itong pumunta sa kinaroroonan ng mga host na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz dahil sila dapat ang mga kasama niya habang pinapatugtog ang theme song ng It’s Showtime.

Patuloy ni Lars, dahil sa nahaharangan na siya ng mga tao ay hindi na nito nagawang makaabot pa hanggang sa  tumutok na sa kanila ang camera kung saan kasama niya ang host na si Kuya Kim Atienza.

At dahil nasa tabi niya ang LED, ay doon na nito nakita ang kanyang sarili.

Agad namang kinomfort ng Its’s Showtime staff at host si Lars sa nangyari.

Sagot naman nito na okay lang siya dahil kahit anumang oras ay pwede nitong pakalmahin ang sarili.

Dagdag pa ni Lars, nangangamba ito dahil baka isuspinde ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang show dahil sa nip-slip incident.

Ngunit gumaan naman agad ang pakiramdam ni Lars ng humingi ng public apology ang host na si Vice ganda.

Samantala, hindi na rin daw nagpapaapekto si Lars sa mga basher at nagpakalat pa ng clips at larawan sa nangyaring nip slip sa kanya.

Ngunit may mensahe ito sa mga netizen na nagpapakalat ng mga scandal.

Sabi nito, na walang sinumang may gusto sa nangyaring insidente, kaya kung meron man tayong makitang ganoong pangyayari ay huwag na nating ikalat pa o huwag na tayong maging instrument na ipahiya ang tao.

Si Lars ay naging second runner-up sa Miss Q&A 2018, ang contest sa It’s Showtime para sa gay at trans women.

Source: Pep.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *