Connect with us

Entertainment

VIRAL ONLINE – Dibdib ni Lars Pacheco hulicam sa live airing ng ‘It’s Showtime’

Published

on

Photo from the web.

Usap-usapan ngayon sa social media ang wardrobe malfunction na nangyari kay Miss Q & A grand finalist Lars Pacheco kanina sa live airing ng ‘It’s Showtime’.

Kamakailan lamang ay nagtrending rin ang hiwalayan nila ng kanyang boyfriend na si Gino Hinolan.

Ngayon ay muli na namang pinagpiyestahan sa social media si Lars dahil sa naranasang wardrobe malfunction habang kumakanta ng theme song ng noontime show kasama ang iba pang host.

Huli na nang mapansin ni Lars na nakaangat ang kanyang suot at dito nakita ang kanyang kanang dibdib kaya’t agad itong tumagilid.

Sinubukan pa siyang hilahin ni Kuya Kim na tila walang kaalam-alam sa nangyari.

Naatasan naman na humingi ng paumanhin si Vice Ganda sa mga viewers.

“Gusto lang po naming bigyang linaw ang naganap kaninang pangyayari kay Lars Pacheco. Wala pong may kagustuhan nun, kahit po si Lars ay hindi kagustuhan ang pangyayari, at sinuman sa mga host o bahagi ng programang ito ay hindi ginusto ang mga pangyayari,” ani Vice.

Kaagad na kumalat ang mga screenshots at video clips ng naturang nip-slip incident sa social media.

May mga nakiusap naman na irespeto si Lars dahil hindi nito kagustuhan ang nasaksiha ng libu-libong tagapanood.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *