Connect with us

Entertainment

Ruffa Guttierez, dawit sa alitang Barreto nang mag-comment sa Instagram post ni Julia

Published

on

Instagram Barreto

Nadadawit  na sa alitan ng magkakapatid na Barreto ang iba pang mga artista, tulad na lamang ni Ruffa Guttierez na nasabihang “sawsawera” nang mag-comment siya sa Instagram post ng isa sa mga Barreto.

Nag-comment si  Ruffa Gutierrez @iloveruffag  ng “Freshhhhhh,”  sa isang Instagram post ni Julia Barreto @juliabarreto.

Napansin ni Gretchen Barreto, tiya ni Julia, ang comment ni Gutierrez sa nasabing Instagram post, kaya bumwelta siya sa dating beauty queen.

Sa kanya namang Instagram post, ni-repost ni Gretchen Barreto ang Instagram selfie ni Julia kung saan ni-highlight niya ang comment ni Guttierez at sinabihan siyang “sawsawera”.

Nag-caption pa si Gretchen ng: “Sawsaw pa more! Ruffy!! take it take it!! wow!!”

Ang nangyari noong 1994 MMFF fiasco

Ang comment ni Gretchen ay tila patungkol sa eskandalo na nangyari noong 1994 Manila Film Festival kung saan iginawad nang mali kay Ruffa Gutierrez ang titulong “best actress”.

Binitawan ng presentor na si Viveka Babajee Ang linyang “Take it, take it!” bilang panghikayat noon kay Gutierrez na kunin ang award.

Matatandaan na nasangkot noon ang dalawa sa itinuturing na isa sa pinakamalaking eskandalo sa Philippine showbiz—ang 1994 Manila Film Festival scandal.

Sa awards night noong June 1994, minanipula ng talent manager na si Lolit Solis ang resulta ng Best Actor at Best Actress categories.

Sa halip na si Aiko Melendez ang nanalo sa Best Actress category, si Ruffa ang binasa ng presentor na si Miss Mauritius 1993 Viveka Babajee.

Kasama ni Viveka na nag-present ng award ang kapatid ni Ruffa na si Rocky Gutierrez at si Gretchen, na kitang-kita sa camera ang pagkagulat nang ibang winner ang inanunsiyo.

Sa Best Actor naman, imbes na si Edu Manzano ay si Gabby Concepcion ang idineklarang nanalo.

Nagkaroon ng imbestigasyon sa nangyaring scam, at naging star witness pa si Gretchen.

Kalaunan, isinoli nina Ruffa at Gabby ang kanilang awards.

Samantala, nag-post naman si Ruffa ng kanyang sagot sa post ni Gretchen.

“The next time they try to put you down, just remember that confidence is silent but insecurities are loud,” ani Gutierrez.

Bwelta ng ina

At dahil involved ang isa sa mga anak niya, hindi kataka-taka na magsasalita ang ina ng mga Guttierez na si Anabelle Rama.  Nagbigay-payo siya kay Ruffa na huwag nang sayangin ang oras sa pagpatol kay Gretchen.

“Tama, huwag mo na patulan ‘yan. Don’t waste your precious time! Basta mahal ka namin ng family mo, ‘yon ang importante!” sabi ni Anabelle Rama.

Ngunit hindi ibig sabihin niyan ay hindi na bubwelta si Rama.  Sa isang post, siya naman ang nagpatutsada kay Gretchen.

 “Kawawa ka naman. Halos wala ka ng kakampi. Halos buong mundo, isinusumpa ka. Nananahimik kami, bakit galit ka sa comment ng anak ko, masama bang mag-comment ng positive?” ani Annabelle.

“Bakit ka ba nagwawala, hindi naman tungkol sa’yo ang comment?! Dapat kang magalit sa mga nag-post ng pictures n’yong dalawa ng boyfriend mo na nasa airport kayo hanggang sa airplane….” Dagdag pa niya.  Ang boyfriend na tinutukoy ni Rama ay ang negosyanteng si Atong Ang.

Dagdag pa ni Anabelle Rama, dapat daw ay mag-focus na lamang si Gretchen sa paghahanap ng mga tao na nag-post ng kanilang litrato ni Atong Ang sa social media.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *