Connect with us

Entertainment

LOOK: Matteo Guidicelli ang bagong Pedro Penduko

Published

on

Larawan mula kay @mateog IG photo

Opisyal nang ipinakilala ang aktor na si Matteo Guidicelli sa gagawing pelikula tungkol sa Pinoy komiks karakter na Pedro Penduko.

Ito ay inanunsyo nitong Oktubre 21 kasama ang direktor ng naturang pelikula na si Jason Paul Laxamana.

Ayon kay Matteo, hindi niya inasahan na ipagkakatiwala sa kanya ang karakter ng Pedro Penduko.

“Sobrang overwhelming kasi we all know Pedro Penduko is a big, big name in Philippine cinema and Philippine culture kumbaga. So it’s such an honor to hopefully carry it out with justice and with credibility,” saad ni Matteo sa isang panayam.

Timing rin ang pag-military training ng aktor bilang pagahahanda nito para sa bagong proyekto.

Aminado si Matteo na nakararamdam ito ng pressure kung paano niya mapantayan sina Efren Reyes, Ramon Zamora at Janno Gibbs na dating gumanap bilang Pedro Penduko.

Samantala, umaasa ang aktor na magiging mainit ang pagtanggap ng mga taga subaybay ng Pedro Penduko.

Source: ABS-CBN News

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *