Connect with us

Entertainment

“Hello, Love, Goodbye” nominado sa AACTA bilang Best Asian Film

Published

on

Photo Courtesy: dubaiopera.com

Nominado ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” sa gaganaping 2019 Australian Academy of Cinema and Television Arts Awards (AACTA) bilang Best Asian Film.

Ito ay pinagbibidahan ng tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards na sinubok ng tadhana ng sila ay magkakilala sa Hong Kong.

Si Joyce (Kathryn Bernardo) ay isang domestic helper na nais makatulong sa pamilya at tuparin ang kanyang pangarap bilang nurse at Ethan (Alden Richards)naman na isang bartender at nagiintay upang maging isa nang residente sa Hong Kong.

Makakatapat nito ang mga pelikulang “Parasite” ng South Korea at “Ne Zha” ng China.

Mababatid na ito ang kauna unahang tambalan nina Kathryn at Alden at naging highest grossing Filipino film of all time na halos kumita ng P880 milyon noong unang pinalabas sa takilya nito lamang Hulyo.

Source: ABS-CBN News

Via | Mark Oliveros Dearoz

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *