Connect with us

Entertainment

Asawa ng dating ‘Tarzan’ actor na si Ron Ely, patay sa kanilang bahay sa Southern California

Published

on

Ron Ely with his wife Valerie Lundeen (left), and Ely during his Tarzan days (right). Photo courtesy| yahoo.news

Patay ang asawa ng dating ‘Tarzan’ actor na si Ron Ely sa kanilang bahay sa Southern California matapos itong pagsasaksakin ng kanila mismong anak.

Napag-alaman ng mga pulis na may naganap na krimen sa bahay ng mga Ely matapos makatanggap ng tawag mula sa 911.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspect na si Cameron Ely anak nila Ron at Valerie Ely, na syang pumaslang sa kanyang ina na dating Miss Florida.

Nakita ng mga pulis si Cameron sa labas ng kanilang bahay.

Binantaan nito ang mga pulis kaya ito’y kanilang pinaputukan at agad naman nitong ikinamatay.

Matatandaang si Ron Ely ay gumanap na ‘Tarzan’ noong 1966 hanggang 1968.

Siya rin ang gumanap bilang bida sa isang action film na “Doc Savage: The Man of Bronze na ipinalabas naman noong 1975.

Nagkaroon din sya ng maliliit na papel sa telebisyon at musical films na ‘South Pacific’.

Source: Inquirer.net

Via| Trainee Mark Oliver Dearoz

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *