Connect with us

Entertainment

Tapatang Angelina Jolie at Michelle Pfeiffer mapapanood sa sequel ng Maleficent

Published

on

Maleficent: Mistress of Evil - Queen Ingrith (Michelle Pfeiffer) and Maleficent (Angelina Jolie) © 2019 Disney Enterprises

Magkakatapat sa labanan si Angelina Jolie at Michelle Pfeiffer sa sequel ng  Maleficent na Maleficent: Mistress of Evil.

Si Angelina Jolie na bumibida bilang Maleficent, na isang kontrabida at reyna ng dark fairies ay nagkaroon ng alitan sa stepmother ni Aurora na si Queen Ingrith na pinagbibidahan naman ni Michelle Pfeiffer matapos magkaroon ng ugnayan si Aurora sa Prinsipeng si Philip.

Ayon naman kay Chiwetel Ejiofor na bida bilang isang misteryosong tauhan na nagngangalang Conall.

“There’s like 100 tropes that are exploded in this film. Seeing those explored in different ways, I think is very exciting.” wika ni Ejiofor.

Mas magiging kapana-panabik ito lalo na’t ginaganapan ito ng mga premyadong artista, mas dinagdagan ang mga kamangha-manghang nilalang at pinaganda pa lalo ang kanilang kasuotan na siguradong bibighani sa mga manonood.

Mapapanood naman ang Maleficent: Mistress of Evil dito sa Pilipinas ngayong Oktubre 16, 2019 sa mga piling sinehan.

Source: ABS-CBN News

Via | Trainee Mark Oliver A. Dearoz

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *