Connect with us

Entertainment

K-POP star-actress Sulli, natagpuang patay

Published

on

Sulli. Photo courtesy from the web.

Natagpuang wala ng buhay ang South Korean star at actress na si Choi Jin-ri o mas kilala bilang si Sulli sa kanyang bahay nitong Lunes.

Ayon sa pulisya, ang manager ng Korean star ang nakakita sa labi nito sa ikalawang palapag ng bahay sa Seongnam, South Korea.

Sinabi pa nito na nakararanas umano ang 25 yr old actress ng ‘severe depression’.

Patuloy pa ring inaaalam ng mga pulisya kung suicide ang sanhi ng pagkamatay ng aktres.

Si Sulli ay dating miyembro ng Kpop girl group na f(x) na nag-debut noong 2009.

Taong 2014 ay pansamantala nitong iniwan ang grupo dahil sa mga natatanggap na cyber-bullying.

Ngunit makalipas ang isang taon ay tuluyan na nitong iniwan ang grupo at nag-focus na lamang sa kanyang pag-acting.

Ang pagkamatay ng Korean star ay ikinagulat ng mga Kpop fan community at maging ilan sa mga Korean Idols.

Samantala, nagpalabas ng pahayag ang SM Entertainment:

‘Apologizing for conveying such sad and unfortunate news’

‘Sulli has left our side. We cannot believe the situation now and we are just filled with grief.’

‘For her family who is grieving after the sudden news of her passing, we earnestly request that you refrain from writing speculative articles or spreading rumors. We express our deep condolences.’

Source: Rappler.com

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *