Connect with us

Entertainment

Vice, Anne, at iba pang celebs, kumasa sa ‘Commute Challenge’

Published

on

Photo from the web.

Nag commute ang ilang host ng “It’s showtime” na sina Jhong Hilario, Vice Ganda, Anne Curtis at ibang celebs para makaabot sa kani-kanilang lakad.

Naglakas-loob na makipagsabyan ng sakayan sa mga taong nagco-commute ang mga naturang celebrity kasunod ng pag-commute ni presidential spokesperson Salvador Panelo kahapon para patunayan na walang transport crisis sa Manila.

Happy lang si Vice Ganda sa pagsakay niya sa MRT basta on time sa papanoorin niyang concert at UAAP event.

 “Nawa’y wag tumirik ang MRT nang umabot ako sa Bigbang Concert. Masaya dito infairness wag lang talagang mangangarag,” ani Vice Ganda sa kanyang Instagram post.

Nag-MRT din si Anne Curtis para iwas trapik at on time sa showbiz schedule.

Si James Reid, naging suki ng selfie pictures sa pagsakay sa MRT.

“Struggle is real” naman ang naging caption ni Jhong sa kanyang Instagram post huwag lang mag-absent sa trabaho.

Naki-angkas naman sa motor si Kim Chiu para makadalo sa volleyball practice kasama ang teammates.

Umangkas din sa motorsiklo sina Julia Barretto at Erich Gonzales makapanood lang ng Coldplay concert.

Naging usap-usapan sa social media ang commute challenge matapos kumasa sa hamon ng mga militante si Panelo.

Via| Trainee Michaela Ningal

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *