Connect with us

Entertainment

Sue Ramirez, kinilig nang makaharap si Lee Dong-wook

Published

on

Photo courtesy from Pep.ph

Hindi makapaniwala at aminadong kinilig ang ABS-CBN actress na si Sue Ramirez ng nagkaroon siya ng ‘fan girl moment’ kasama si South Korean heartthrob at actor na si Lee Dong-wook.

Ayon sa actress, nahirapan itong makipagsabayan ng tinginan sa Korean actor dahil sa sobran nitong kagwapuhan at pagiging intellectual nito sa pagsagot sa mga tanong.

Sabi pa ni Ramirez, lumalabas ang kanyang pagiging ‘ultimate fan girl’ noong nakipag-shakehand at makita ito sa personal.

Ang pagbisita ng Korean star sa bansa ay para sa pagbubukas ng seremonya ng #LoveKOrea Culture and Travel Fiesta ng Korea Tourism Organization (KTO) na ginanap sa SM Mega Fashion Hall sa Mandaluyong City.

Nakilala si Lee Dong Wook sa kanyang pagganap sa South Korean drama series na “Goblin” bilang Grim Reaper at ‘Touch your Heart’.

Via | Trainee Michaela Ningal

Source: Pep.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *