Connect with us

Entertainment

ACTRESS SHIRLEY FUENTES, NA-GONG SA TAWAG NG TANGHALAN

Published

on

Photo Courtesy l ABS CBN Entertainment

Nakatikim ng malakas na Gong ang dating miyembro ng “That’s Entertainment” na si Shirley Fuentes sa Tuesday edition ng “Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions” ng It’s Showtime.

Ang singer-actress ang kauna-unahang celebrity contender na nakatikim ng gong sa nasabing edition ng naturang show.

Si Jaya ang punong hurado ng “Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions” at desisyon niya umanong i-Gong si Shirley.

Paliwanag naman ng punong hurado, aniya, alam nya kung gaano kagaling ang celebrity contender kaya’t umaasa itong hindi siya madidismaya sa nangyari.

“Siguro this is not a song na kinakanta mo, or hindi lang nagtugma ‘yung kinakanta mo doon sa inensayo niyo kanina. Sorry talaga pero kinailangan kita i-gong kasi talagang nagkamali ka doon sa mga parteng narinig naming,” saad ni Jaya.

Ayon naman sa kapwa hurado na si K Brosas, “I think nagkamali ka lang talaga sa pagpasok ng lyrics, ‘yun lang ang tingin ko kung bakit ka na-gong. Pero ‘yung song choice, walang problema or even areglo it was good. Your voice, walang problema, walang kuwestiyon, walang kupas.”

Magugunitang nalimutan ni Shirley ang lyrics at sintunado ang pagkakakanta nito sa “Luha,” ang kantang pinasikat ng bandang Aegis.

Samantala, nag-umpisa nitong October 7, ang “Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions” ng It’s Showtime.

Si Thor Dulay, na isang voice coach ang itinanghal na daily winner sa naturang kompetisyon.

Via / Trainee Mark Dexter Rome

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *