Connect with us

Entertainment

Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, ikakasal na sa Marso 2020

Published

on

Sarah Lahbati and Richard Gutierrez's wedding has been finalized for March 2020 here in the Philippines. Photo courtesy | Push.abs-cbn.com

Napagdesisyunan na nila Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na magpakasal sa susunod na taon, Marso 2020 na gaganapin dito sa Pilipinas.

Sa noontime variety show ng ABS-CBN na “ASAP” ay magandang ibinalita ng magkasintahan ang kanilang kasal.

“We are happy to announce that we are finally getting married on March 2020 here in Manila. And we are looking forward to that date,” pahayag ni Richard sa ASAP Natin To.

Old School Romance ang napiling theme ng kanilang kasalan na unang ibinunyag ng dalawa nito lamang Oktubre 6, 2019 sa isang mediacon na ginanap sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound.

Matatandaang noong 2012, sila ay nagkamabutihan matapos maging magkatambalan sa Kapuso teleserye na Makapiling Kang Muli at taong 2017 naman nagpropose si Richard nang mag-hiking sila ni Sarah sa Switzerland.

“I used to think that there is such a thing as perfect love, but there is no perfect love, only real love.” ani ni Richard nang tanungin ito kung ano ang kanyang natutunan sa pitong taon na pagsasama nila ni Sarah.

VIA | Trainee Mark Oliver Deanoz
Trainee Michaella Ningal

Source: Pep.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *